WATER RATIONING ACTIVITY | April 25, 2025
Nais po naming ipabatid na ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro ay magrarasyon ng tubig sa mga higit na apektadong lugar ng low pressure operation ng naturang supplier. Ang mga baranggay na unang iikutan ay:
Bulac at Sto. Tomas
Gamit ang 2 water tanker, ang aming pamunuan ay maghahatid ng tubig sa mga lugar na higit na apektado.
Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.
