Nais pong Santa Maria Water District (SMWD) na ipabatid sa inyo na maaaring makaranas o magkaroon ng paghina hanggang sa tuluyang pagka antala ng supply ng tubig sa lka-26 ng Mayo taong 2025 mula ika 6:00 ng hapon. Ang normal na daloy ng tubig ay maibabalik sa ika-27 ng Mayo taong 2025, ika-8 ng umaga. Ang low to zero water supply ay aabutin 14 na oras.

Ang mga lugar na apektado ng paghina hanggang pagka antala ng tubig ay ang mga sumusunod: Mga barangay ng Pulong Buhangin, Mag-asawang Sapa, Silangan, Balasing, Catmon, San Jose Patag, Poblacion, Tabing Bakod, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan, at Bagbaguin. Mga higit na apektado ang mga Barangay ng Bulac (Sitio Putol to Linawan), Caypombo (Tibagan to National Rd.), at Caysio (Kaybanto).

Ang pagka antala ng supply ng tubig ay kaugnay ng gagawing plant shut down ng aming bulk water supplier (PhilHydro). Ang shutdown na ito ay kinakailangan upang maisagawa ang mga kaugnay na trabaho para sa commissioning ng kanilang bagong Pump No. 8. Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa ay ang pagkokonekta g discharge line ng pump sa pangunahing linya, pagsasaayos ng kuryente para sa motor, at pagsubok ng nasabing pump upang masiguro ang mayos na operasyon nito.

Ang mga gawaing ito ay bahagi ng kanilang pagsusumikap na mapabuti ang kapasidad ng kanilang pumping station upang makapaghatid ng mas maayos at mas matatag a suplay ng tubig sa ating bayan.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa abala at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.