Nais pong ipabatid ng Santa Maria Water District sa lahat na ang nararanasang paghina hanggang sa pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig ay inaasahang patuloy na mararanasan sa ilang bahagi ng aming nasasakupan. Ang normal na daloy ay inaasahan maibalik sa ganap na ika-4 ng umaga, ika 29 ng Mayo taong 2025. Base sa aktwal na kundisyon, ito ay maaring mapa-aga o humaba pa.
Ang mga lugar na apektado ng paghina hanggang pagka antala ng tubig ay ang sumusunod:
Barangay Pulong Buhangin, Mag-asawang Sapa, Silangan, Caypombo, at Guyong
Ang nararanasang pagkaantala ng suplay ng tubig ay dulot ng depektibong gate valve sa linya ng tubo ng ating bulk water supplier na Phillydro, partikular sa linya papunta sa Perez at Partida Tapping Points. Ang nasabing depekto ay lumitaw matapos ang muling pag-energize ng kanilang pipeline kasunod ng isang major downtime activity na nagsimula noong ika 26 ng Mayo taong 2025. Nakatakdang isagawa ang pagkukumpuni ngayong gabi (May 28, 2025) bandang alas-10:00 ng gabi (10:00 PM), na inaasahang magdudulot ng mahina hanggang sa kawalan ng tubig sa mga apektadong lugar habang isinasagawa ang pagkukumpuni at hanggang sa tuluyang maibalik ang normal na suplay.
Kami po ay humihinging inyong lubos na pagunawa. Ang buong pamunuan ng Santa Maria Water District ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang maging maayos ang operasyon ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming bulk water supplier.
