Nais pong ipabatid ng Santa Maria Water District (SMWD) na ngayong araw, Hunyo 6, 2025, bandang 5:50 ng hapon, ang aming bulk water supplier (PhilHydro) ay nakaranas ng power outage sa kanilang raw water line.
Sa kasalukuyan, sila ay nagsasagawa ng operasyon gamit ang kanilang generator set. Gayunpaman, tatlo (3) lamang sa walong (8) intake pumps ang kaya nilang paandarin gamit ang pansamantalang power source.
Bunsod nito, ang discharge pressure mula sa planta ay bumaba sa 10 psi mula 25 psi, na nagdudulot ng low to zero water pressure sa mga sumusunod na barangay:
Pulong Buhangin, Mag-asawang Sapa, Silangan, Balasing, Catmon, San Jose Patag, Poblacion, Tabing Bakod, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan, at Bagbaguin.
Mas higit na apektado ang mga Barangay ng Bulac (Sitio Putol to Linawan), Pulong Buhangin (Sitio Diliman),at Caypombo (Tibagan to National Rd.)Kami po ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa PhilHydro upang matutukan ang sitwasyon at mapabilis ang pagbabalik ng normal na pressure sa ating water supply.
Ang inyong pang-unawa at kooperasyon ay lubos po naming pinahahalagahan habang ang aming supplier ay nagsusumikap na maibalik ang buong operasyon.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa abala at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at suporta.
