UPDATE ON SMWD TURBID WATER

(IN REFERENCE TO ADVISORY 2505-0049)

Habang patuloy ang aming flushing activities sa mga apektadong barangay, hinihikayat po namin ang ating mga apektadong concessionaires na gumamit ng malinis na tela o medyas bilang improvised filter na ikakabit sa mga gripo upang makatulong makabawas sa turbidity ng tubig. Pinapayuhan din po namin ang mga concessionaires na hayaan muna ang mga tubig sa lagayan o container nang ilang oras upang mag-settle ang turbid na suplay sa ilalim ng lagayan at gamitin ang napalinaw na bahagi ng tubig sa itaas.

Pinapayuhan din ang lahat na iwasang gamitin ang turbid na suplay ng tubig sa pang-inom at pagluto o panghalo sa pagkain. Humihingi po kami ng paumanhin sa epekto ng paglabo ng suplay at sa abalang dulot nito.

Ang Santa Maria Water District ay patuloy din na magsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upong maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari po ninyong agad na ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo o pagdilaw ng tubig upang ito’y agad naming matugunan

Maraming salamat po.