Kami po sa Santa Maria Water District ay lubos humihingi ng paumanhin sa aming mga tagatangkilik sa Barangay Poblacion.

Nais po naming ipabatid sa inyo na nagkaroon ng problema ang aming Villarica Production Well. Kasalukuyan po itong nagbubuga ng madumi at malabong tubig. Sa ngayon po ay aming pinapatapon at inoobserbahan ang kalidad ng tubig na inilalabas ng nasabing production well.

Kaugnay po nito, napilitan po kaming huwag muna itong gamitin at papasukin sa aming mga tubo. Magsasagawa din po kami ng “flushing” sa nasabing lugar upang mailabas ang maduming tubig na nakapasok sa linya ng tubig.

Maaari po kayong makaranas ng mahina hanggang sa mawalan ng suplay ng tubig. Maaari din po na makapasok sa inyong tahanan ang maduming tubig na nailabas ng ating Villarica Production Well.

Kami po ay magsasagawa ng “valve adjustments” mula sa Bulk Water Supply upang pansamantalang magsuplay ng tubig sa nasabing lugar.

Muli po, ang SMWD ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa sa kasalukuyang pangyayari.

Maraming Salamat po!
ANG PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT