Magandang araw!
Paunawa sa aming mga tagatangkilik sa mga sumusunod na lugar:

• Buong Glenade Subd., Brgy. Sta. Clara
• Buong Molave St., Brgy. Sta. Clara
• Buong Yakal St., Brgy. Sta. Clara
• Buong Narra St. at Narra Extension St., Brgy. Sta. Clara
• Buong Brgy. Lalakhan

Nais po naming ipabatid sa inyo na ang isinasagawang Rehabilitasyon ng Glendale Elavated Steel Tank ay matatapos sa ika-15 ng Marso (Biyernes) sa halip na sa ika-13 ng Marso, 2019 (Miyerkules) sa parehong oras, mula ika-4 ng umaga hanggang ika-2 ng hapon. Ito po ay sanhi ng pangangailangan ng karagdagang araw para sa curing period ng interior paint ng Glendale Elevated Steel Tank upang mas kumapit pa ang food-grade paint.

Amin pong iminumungkahi na mag-ipon muna kayo ng tubig sa mga oras na may suplay ng tubig sa inyong mga lugar.
Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-2 ng hapon ng Biyernes, ika-15 ng Marso, 2019.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat po.
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT