Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Lunes, Marso 18, 2019 sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ng Martes, Marso 19, 2019 sa mga sumusunod na lugar:

• National Road simula sa panulukan ng C.De Jesus St. hanggang sa boundary ng Tumana / Parada
• Buong Brgy. Buenavista at ang mga Brgy. Roads na nasasakupan nito

Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig sa National Road simula sa panukulan ng C. De Jesus St. hanggang sa Kalye 20 ng Brgy. Parada.

Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga ng Martes, ika-19 ng Marso, 2019

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming salamat.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT