Hunyo 18, 2019

Sa aming mga taga-tangkilik, Nais po na ipabatid ng Santa Maria Water District (SMWD) na magkakaroon po ng pagka antala ng tubig sa ganap na ika-pito (7) ng gabi sa araw ng Huwebes (Hunyo 20, 2019) hanggang ika-apat (4) ng umaga sa araw ng Biyernes (Hunyo 21, 2019) sa mga sumusunod na lugar:

• Mula panulukan ng Santiago St. (Provincial Rd.) sa Brgy. Parada

• Pakwan St. sa Brgy. Tumana hanggang sa tulay ng Tumana/ Macaiban

Ito po ay sanhi ng isasagawa ng SMWD na paglilinis ng tubo ng tubig simula po sa kanto ng Santiago, St. (Provincial Rd) sa Brgy. Parada at Pakwan St. sa Brgy. Tumana hanggang sa tulay ng Tumana/Macaiban. Sisikapin po namin na maibalik ang daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-apat (4) ng umaga, Biyernes (Hunyo 21, 2019).

Kayo po ay aming hinihikayat na pansamantalang mag-ipon ng tubig sa mga oras na kayo po ay may suplay upang patuloy na may magamit sa panahon po ng pagkaka antala.

Kami po ay muling humihingi ng inyong lubos na pangunawa at asahan po ninyo na ito ay aming ginagawa upang mas mapagbuti at maiayos ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!

Pamunuan ng Santa Maria Water District