Hunyo 26, 2019

Magandang araw!

Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes (Hunyo 27, 2019) sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga kinabukasan, araw ng Biyernes (Hunyo 28, 2019) sa mga sumusunod na lugar:

• Magmula sa panulukan ng Road to Macaiban sa may Bocaue – San Jose Del Monte Provincial Road

• Buong Labanos St., Brgy. Tumana

• Buong Sitaw St., Brgy. Tumana

• Buong Bataw St., Brgy. Tumana

• Buong Papaya St., Brgy. Tumana

• Buong Camias St., Brgy. Tumana

• Buong Kalabasa St., Brgy. Tumana

• Buong Melon St., Brgy. Tumana

• Buong Amplaya St., Brgy. Tumana

• Buong Pipino St., Brgy. Tumana

• Buong Upo St., Brgy. Tumana

• Buong F. Ignacio St., Brgy. Tumana

• Sa mga nasasakupan ng Bocaue – San Jose Del Monte Roads magmula sa kanto ng Kaybitin papunta sa kanto ng F.Halili Ave. at Paso, Tulay ng Bagbaguin.

Ito po ay sanhi ng isasagawang paglilinis ng tubo ng tubig mula sa Kanto ng Road to Macaiban ng Bocaue – San Jose Del Monte Provincial Rd., hanggang Bataw St., Brgy. Tumana at magmula sa kanto ng Kamatis St. hanggang sa kanto ng Papaya St., sa Brgy. Tumana. Sisikapin po naming maibalik mula and daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga ng Hunyo 28, 2019 (Biyernes).

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT