Hulyo 15, 2019


Magandang araw!
Magkakaroon po ng pagka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes, Hulyo 18, 2019 sa ganap na ika-7 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga kinabukasan, araw ng Biyernes Hulyo 19, 2019 sa mga sumusunod na lugar:

• Magmula sa Kanto ng Kaybitin sa Bocaue / San Jose del Monte Provincial Rd.

• Balutan St, Brgy. Bagbaguin

• Morenos Compound hanggang sa F. Halili Avenue kanto ng Paso / Tulay, Brgy. Bagbaguin

Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig simula sa Kanto ng Kaybitin St. ng Bocaue – San Jose del Monte Provincial Rd. hanggang sa F. Halili Avenue Kanto ng Paso / Tulay ng Bagbaguin. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-4 ng umaga ng Biyernes, Hulyo 19, 2019.


Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.


Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT