September 3, 2019

Magandang araw!

Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Huwebes, Setyembre 5, 2019 sa ganap na ika- 7 ng gabi hanggang ika- 4 ng umaga ng Biyernes, Setyembre 6, 2019 sa mga sumusunod na lugar:

• Magmula sa kanto ng SMWD Sta. Clara Pump Station sa Yakal St. hanggang sa kanto ng Narra/ Tindalo St., Brgy. Sta. Clara

• Buong Narra Extension Neighborhood , Brgy. Sta. Clara

• Buong St. Claire Subdivision , Brgy. Sta. Clara

• Buong Brgy. Lalakhan

Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig magmula sa kanto ng Narra/Tindalo St. patungo sa Narra Extension Neighborhood, at magmula sa Kanto ng SMWD Sta. Clara Pump Station sa Yakal St. hanggang sa kanto ng Lambak St., Brgy. Lalakhan at Taal St., Bocaue Rd.

Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika- 4 ng umaga ng Biyernes, Setyembre 6, 2019.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.

Maraming Salamat po!

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT