Agosto 23, 2019


Paunawa sa aming nga tagatangkilik sa mga sumusunod na Barangay:

• BUENAVISTA

• PARADA

Ang Santa Maria Water District po ay lubos na humihingi ng paumanhin sa kasalukuyang sitwasyon na inyong nararanasan ukol sa mahina hanggang sa pagkakaantala ng supply ng tubig sa inyong mga lugar.

Ito po ay sanhi ng pagkakaroon ng “emergency repair” sa aming Caybanban Pump Station na matatagpuan sa Brgy. Parada. Dahil sa nakitang “crack” sa well casing ng aming pump station ay kinailangan na agarang pagkukumpuni na siyang nagbunsod ng pansamantalang paghinto ng operasyon nito. Alinsunod po rito, kami po ay kasalukuyang nagsasagawa rin ng rehabilitasyon sa aming deepwell na tatagal hanggang sa huling linggo ng Agosto 2019.

Pipilitin po naming maibalik ang normal na daloy ng tubig sa unang linggo ng Setyembre Amin na po kayong inaabisuhan na dahil sa pangyayaring ito ay patuloy na hihina o maaaring maantala ang inyong supply ng tubig tuwing umaga, kaya naman iminumungkahi namin na kayo ay mag-ipon muna ng tubig sa mga oras na may supply sa inyong mga lugar.

Muli, kami po ay humihingi ng inyong pang-unawa hinggil dito.
Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT