September 20, 2019
Magandang araw!


Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng supply ng tubig sa araw ng Lunes, Setyembre 23, 2019 sa ganap na ika- 9 ng umaga hanggang ika- 3 ng hapon ng araw ding iyon sa mga sumusunod na lugar:

• Kabuuan ng Celestino St., Brgy. Guyong
• Kabuuan ng Gungon St., Brgy. Guyong
• Kabuuan ng Gravador St., Brgy. Guyong
• Kabuuan ng Matang Tubig St., Brgy. Guyong
• Sitio Libis, Brgy. Guyong


Ito po ay sanhi ng isasagawang Interconection at pagkakabit ng mga barbula ng tubig sa kanto ng Sitio Sulok,Landicho St. Brgy. Pulong Buhangin. Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika-3 ng hapon ng Lunes, Setyembre 23, 2019.


Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.


Maraming Salamat po!
PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT