Oktubre 28, 2019
Magandang araw!
Nais po ng Santa Maria Water District na ipabatid sa inyo na magkakaroon ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng MIyerkules, Oktubre 30, 2019 sa ganap na ika- 9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi ng araw ding iyon sa mga sumusunod na lugar:
• Magmula sa kanto ng Bocaue / San Jose Del Monte at Ibayong Tabon St.
• Kabuuan ng Ibayong Tabon St., Brgy. Parada
• Kabuuan ng Brgy. Buenavista hanggang sa boundary ng Prenza, Marilao
Ito po ay sanhi ng isasagawang Paglilinis ng tubo ng tubig magmula sa kanto ng Bocaue / San Jose Del Monte Road at Ibayong Tabon St. at sa nasasakupan ng kabuuan ng Ibayong Tabon St., Brgy. Parada.Sisikapin po naming maibalik muli ang normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan sa ganap na ika- 6 ng gabi ng Huwebes, Oktubre 30, 2019.
Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang unawa at asahan po ninyo na amin itong ginagawa upang mas mapabuti at mapaganda ang aming paglilingkod sa inyo.
Maraming salamat po.


PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT