January 31, 2020

Magandang araw!

Magkakaron po ng pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Martes, Pebrero 4, 2020 mula ika-10 ng gabi haggang ika-2 ng umaga ng Miyerkules, Pebrero 5, 2020 sa mga sumusunod nga lugar

  • PULONG BUHANGIN
  • SILANGAN
  • BALASING
  • MAG-ASAWANG SAPA
  • CAYPOMBO
  • CAYSIO
  • GUYONG
  • SAN JOSE PATAG
  • CATMON
  • BULAC
  • POBLACION
  • STA. CRUZ
  • BAGBAGUIN
  • STO. TOMAS

Ito po ay sanhi ng isasagawang “maintenance activity” ng Philhydro, ang aming bulk water supplier sa isa sa kanilang mga pump stations na matatagpuan sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan. Kaugnay po nito, magsasagawa rin po sila ng “flushing” o pagpapatapon ng maruming tubig sa kanilang mga linya upang masiguro na malinis ang tubig na kanilang isusupply.

Aming pong iminumungkahi na kayo po ay pansamantalang mag-ipon ng tubig upang mayroon po kayong magagamit sa mga nasabing oras ng pagkaka-antala.

Muli po, kami po ay humihingi ng lubos ninyong pang-unawa at kooperasyon. Makakaasa po kayo na ito ay ginagawa upang mas mapabuti ang serbisyo ng tubig sa inyong mga lugar.

Maraming salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT