Marso 4, 2020

Magandang araw!
Nais pong ipabatid sa inyo ng Santa Maria Water District na magkakaroon ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaka-antala ng tubig sa araw ng Miyerkules, Marso 4, 2020 sa ganap na ika-10 ng gabi hanggang ika-2 ng umaga ng Huwebes, Marso 5, 2020 sa mga sumusunod na lugar:

  • PULONG BUHANGIN
  • SILANGAN
  • MAG-ASAWANG SAPA
  • CAYSIO
  • CAYPOMBO
  • GUYONG
  • BALASING
  • BULAC
  • CATMON
  • SAN JOSE PATAG
  • POBLACION
  • BAGBAGUIN

Ito po ay sanhi ng isasagawang pagsasaayos ng nasirang Substation ng Philhydro, na aming bulk water supplier, sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan. Upang bigyang daan ang nasabing “repair”, tatlo (3) lamang po sa limang (5) pumps ang kanilang papaganahin na magiging dahilan ng paghina ng inyong supply ng tubig. Amin pong iminumungkahi na kayo po ay mag-ipon ng tubig upang kayo ay may magamit na tubig sa mga oras na nabanggit.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at kooperasyon. Makakaasa po kayo na ito ay ginagawa upang mas mapabuti ang serbisyo ng tubig sa inyong mga lugar.

Maraming salamat po.


PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT