Paunawa sa aming mga tagatangkilik sa mga sumusunod na barangay:

  • Bagbaguin
  • Sto.Tomas
  • Camangyanan

Hindi po lingid sa aming tanggapan na kayo po ay kasalukuyang nakakaranas ng mahina hanggang sa tuluyang pagkawala ng supply ng tubig araw-araw.

Ito po ay bunsod ng mataas na “demand”ng supply ng tubig dahil sa ipinapatupad na “enhanced community quarantine” kung saan karamihan ng mga tao ay nasa kani-kanilang tahanan. Dahil na rin po sa enhanced community quarantine ay nagkaroon ng pagkakaantala ang ilang proyekto ni SMWD tulad ng 2 bagong poso na magbibigay dagdag supply ng tubig at ang pago-operate ng tangke na mag-iimbak ng tubig sa gabi upang makatugon sa pangangailan sa oras ng “peak demand.” Dagdag pa rito na nagsimula na ang tag-init kaya mas malakas ang paggamit ng tubig ng aming mga concessionaires.

Kaugnay po nito, amin pong ipinapabatid sa inyo na dahil sa kakulangan ng ating supply sa kasalukuyan ay patuloy na mararanasan ang nabanggit na paghina hanggang sa tuluyang pagkaka-antala ng supply ng tubig.

Amin pong iminumungkahi na kayo po ay mag-ipon ng tubig sa mga oras na may supply sa inyong mga lugar upang kayo po ay may magamit sa mga oras na naaantala ang aming serbisyo ng tubig.

Kami po ay patuloy na humihingi ng inyong lubos na pang-unawa at pakikiisa.

Maraming Salamat po.

PAMUNUAN NG SANTA MARIA WATER DISTRICT