SMWD Advisory No. 2507-0061

Mahal naming mga taga tangkilik,

Dahil sa tuluy-tuloy na malakas na ulan na ating nararanasan dulot ng Bagyong Crising, tumaas ang turbidity level ng Angat River na siyang pinagkukuhanan ng tubig ng ating bulk water supplier (PhilHydro)

Dahil dito, inaasahan na makararanas ng paglabo ng tubig ang mga sumusunod na barangay:

Balasing, Pulong Buhangin, Caypombo, Mag-asawang Sapa, Silangan, Guyong, Poblacion, San Jose Patag, Catmon, Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sta. Cruz, Sta. Clara, Sto. Tomas, San Gabriel, at Mahabang Parang

Malaki rin ang posibilidad ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng tubig sa mga apektadong barangay dahil sa pagbabawas ng produksyon ng tubig ng ating bulk water supplier. Pinaaalalahanan ang lahat na magipon ng tubig na maaring magamit sa mga oras na ito.

Magsasagawa naman ang Santa Maria Water District ng malawakang flushing activities bilang paunang lunas sa nasabing water quality problem.

Humihingi kami ng lubos na pang-unawa. Maraming salamat po.