Mahal naming mga taga tangkilik,

Nais po naming ipabatid sa lahat ng aming konsyumer na kasalukuyan ay may nararanasan at inaasahang patuloy na mararanasang paghina hanggang samantalang pagka-antala ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng aming nasasakupan.

Ang mga lugar na apektado ay:

Mag-asawang Sapa, Silangan, Catmon, Patag, Poblacion, Guyong, Tabing Bakod, San Gabriel, Mahabang Parang, Camangyanan at Bagbaguin.

Mga higit na apektado ay mga barangay ng:

Pulong Buhangin (Diliman), Bulac (Sitio Putol to Linawan), Caypombo (Tibagan to National Rd.) at Caysio (Kaybanto)

Ang pagka-antala ng supply ng tubig ay bunsod ng emergency mechanical problem sa Intake Pump Station ng aming bulk water supplier (Philhydro). Dahi sa nasabing mechanical trouble ay limitado ang magiging output ng kanilang Booster Pump Station. Sa kasalukuyan ay tuloy ang kanilang pagsusuri sa nasabing problema.

Humihingi kami ng lubos na pang-unawa. Ang buong pamunuan ng Santa Maria Water District ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang maging maayos ang operasyon ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming supplier. Maraming salamat po.