Update: Water Rationing Activity

Upang maibsan ang kakulangan sa suplay ng tubig dulot ng El Niño, isinagawa ng Santa Maria Water District, sa pakikipagtulungan sa Maynilad, ang water rationing activity sa tatlong barangay na lubhang naapektuhan: Bulac, Caypombo, at Caysio, noong Biyernes at Sabado, ika-3 at 4 ng Mayo 2024. Sa tulong ng dalawang tanker mula sa Maynilad, naghatid ang SMWD ng tubig sa 245 na residente ng nabanggit na mga barangay. Layunin nitong matugunan ang pangangailangan sa tubig ng mga apektadong residente ng Santa Maria.

Maraming salamat po.