Dahil sa matinding init na dulot ng El Niño, ang Santa Maria Water District katuwang ang Maynilad, ay kasalukuyang nagrarasyon ng tubig sa mga sumusunod na barangay:

Sto. Tomas – mula Rotonda hanggang Tabing Bakod – San Gabriel Road, FM Evangelista St., PG Salazar St., TM Salazar St., JS Mendoza St.
Camangyanan – Sta. Rosa Road, Purok Ibabaw
Bulac - kanto ng Canyon Valley Subd. hanggang boundary ng Bulac-San Jose Del Monte
Caypombo – mula Tibagan St. hanggang boundary ng Caypombo-M.Sapa
Caysio – mula kanto ng Caysio-Caypombo hanggang Plana Subd.

Gamit ang 2 water tanker, magtutuloy ang pagrarasyon ng tubig hanggang bukas(Sabado, May 18, 2024) sa mga nabanggit na barangay.