Possible Water Quality Problem at Angat River Due to Thunderstorm

Nais po ng Santa Maria Water District (SMWD) na ipabatid sa inyo na ang naranasan na MALAKAS NA ULAN TUWING GABI DULOT NG LOCALIZED THUNDERSTORM ay naging sanhi ng pagtaas ng turbidity ng tubig sa angat river na pinagkukunan ng ating bulk water supplier (PhilHydro).

Ang mga barangay na maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik sa normal na sitwasyon ang angat river ay ang mga sumusunod:

BALASING, PULONG BUHANGIN, CAYPOMBO, MAG ASAWANG SAPA, SILANGAN, GUYONG, POBLACION, SAN JOSE PATAG, CATMON, BULAC, BAGBAGUIN, CAYSIO, STA CRUZ, STA CLARA, STO. TOMAS, SAN GABRIEL, AT MAHABANG PARANG

Ang Santa Maria Water District ay patuloy din na magsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upang maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maari po ninyong agad ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo o pagdilaw ng tubig upang ito’y agad naming matugunan.

Bukod sa malabong tubig ay posible din makaranas ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng tubig sa mga nabanggit na barangay dahil sa pagbabawas ng produksyon ng tubig ng ating bulk water supplier. Dahil dito ay pinaaalahanan ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaring magamit sa mga oras na ito.
Maraming salamat po.