Nais po ng Santa Maria Water District (SMWD) na ipabatid sa inyo na ang naranasan natin na patuloy na pag-ulan nitong nagdaan na mga araw hanggang sa kasalukuyan ay naging sanhi ng PAGTAAS NG TURBIDITY ng tubig sa Angat River na pinagkukunan ng ating bulk water supplier (PhilHydro)

Ang mga Barangay na maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik sa normal na sitwasyon ang Angat River ay ang mga sumusunod:

Balasing, Pulong Buhangin, Caypombo, Mag-Asawang Sapa, Silangan, Guyong, Poblacion, San Jose Patag, Catmon, Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sa. Cruz. Sta. Clara, Sto. Tomas, San Gabriel, at Mahabang Parang

Ang Santa Maria Water District ay patuloy din na magsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upong maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari po ninyong agad na ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo o pagdilaw ng tubig upang ito’y agad naming matugunan

Bukod sa malabong tubig ay posible din makaranas ng PAGHINA HANGGANG SA TULUYANG PAGKAANTALA ng tubig sa mga nabanggit na barangay dahil sa pagbabawas ng produksyon ng tubig ng ating bulk water supplier at flushing activities na isinasagawa ng aming opisina. Dahil dito ay pinapaalalahanan ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa mga oras na ito.

Maraming salamat po.