Nais naming ipaalam na ang aming bulk water supplier ay nakaranas ng Emergency Breakage ng kanilang Intake Pump Station Discharge line, na nagdulot ng pagbaha sa pump room kung saan matatagpuan ang pumps 1 hanggang 4. Dahil dito, posibleng makaranas ng mahina hanggang walang suplay ng tubig ang mga lugar na sinusuplayan ng PhilHydro.

Ang aming bulk water supplier ay kasalukuyang nireresolba ang problema. Ang kanilang unang kontraktor ay nasa planta na para sa pagkukumpuni. Upang mapabilis ang proseso, inaasahan pa ang pagdating ng mga karagdagang mga kontraktor upang mapabilis ang proseso.

Kami ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa aming supplier para sa mga posibleng alternatibong solusyon, kabilang ang pagde-deploy ng mga water tanker upang matulungan ang mga apektadong lugar. Magbibigay kami ng karagdagang update sa sandaling may bagong impormasyon.

Kami po ay humihingi ng pang-unawa at pasensya sa abalang dulot nito.