Dahil sa hindi inaasahang problema sa Intake Pump Station ng Philhydro, ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro ay magsisimulang magrasyon ng tubig ngayong araw (February 28, 2025) sa mga sumusunod na barangay:

Bulac

Catmon

Balasing

Pulong Buhangin

Caypombo

Gamit ang paparating na 3 water tanker, pipilitin ng aming pamunuan na madalhan ng tubig ang mga lugar na higit na apektado. Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.