Nais po naming ipaalam na ang ika-5 sa pitong pumps ng aming bulk water supplier na si Philhydro ay matagumpay na napagana bandang alas-otso kagabi(March 2, 2025). Kasalukuyan, nasa 70% na ang volume production na ang aming supplier. Patuloy pa din ang pagpupursige ng aming supplier para maibalik sa operasyon ang natitirang 2 pumps sa lalong madaling panahon.
Sa kasalukuyang 70% operation capacity ng 5 pumps, maaaring magkaroon na ng low supply sa ibang apektadong lugar ngunit maaari pa ring makaranas ng zero pressure ang ibang area, lalo na sa mga lugar ng:
1. Linawan at karamihan sa Barangay Bulac
2. Sitio Diliman at Guballa, Pulong Buhangin
3. Tibagan, Caypombo, &
4. Lupang Pangarap, San Jose Patag
Inaabisuhan ang lahat na makapag-ipon ng tubig sa tuwing may sapat na supply. Maglalabas kami ng karagdagang anunsyo sa sandaling makatanggap kami ng kumpirmasyon tungkol sa buong pagpapanumbalik ng natitirang mga bomba. Makatitiyak, kami ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa aming bulk water supplier para mapabilis ang proseso.
Muli, kami ay humihingi ng inyong lubos na pang-unawa sa sitwasyon. Patuloy ang pamunuan ng Santa Maria Water District sa pagrarasyon sa tubig sa mga apektadong lugar.
Maraming salamat.
