Sa araw ng Linggo (March 2, 2025) ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro ay patuloy sa pagrarasyon ng tubig sa mga higit na apektadong lugar. Ang mga baranggay na unang naikutan ay:
Pulong Buhangin, Caypombo, Bulac, Catmon, Guyong
Gamit ang 4 na water tanker, 3 mula sa ating supplier na si Philhydro at 1 mula sa Baranggay Pulong Buhangin bilang dagdag na tulong sa pagrarasyon, ang aming pamunuan ay sinikap na makapagrasyon ng tubig sa mga lugar na higit na apektado. Hindi bababa sa 950 kabahayan ang nabigyan ng pansamantalang supply ng tubig.
Nagpatuloy muli kaninang alas-7 ng umaga ang pagrarasyon ng tubig. Ang mga lugar na muling iikutan ay:
Pulong Buhangin, Caypombo, Bulac, Guyong
Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.
