Sa araw ng Miyerkules at Huwebes (March 5-6, 2025) ang Santa Maria Water District katuwang ang bulk water supplier na si Philhydro ay patuloy sa pagrarasyon ng tubig sa mga higit na apektadong lugar. Ang mga baranggay na naikutan ay:

Pulong Buhangin, Caypombo, Bulac,

Balasing, Catmon, Guyong

Gamit ang 5 na water tanker mula sa Philhydro ang aming pamunuan ay sinikap na makapagrasyon ng tubig sa mga lugar na higit na apektado. Hindi bababa sa 2500 kabahayan ang nabigyan ng pansamantalang supply ng tubig.

Nagpatuloy muli kaninang alas-7 ng umaga ang pagrarasyon ng tubig. Ang mga lugar na muling iikutan ay:

Pulong Buhangin, Caypombo, Bulac

Inaabisuhan ang lahat na maghanda ng mga balde o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig.