ADVISORY FROM PHILHYDRO | APRIL 10, 2025

Nais po naming ipabatid sa lahat na maaaring makaranas o magkaroon ng paghina hanggang sa tuluyang pagkaantala ng supply ng tubig ngayong ika-10 ng Abril taong 2025, mula ika-12 ng tanghali. Sisikapin po namin na agad makapagbigay ng impormasyon ukol sa pagbabalik muli ng normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan

Mga Apektadong Lugar:

Bulac, Bagbaguin, Tabing Bakod

Dahil sa patuloy na pagtaas ng demand ng tubig, nahihirapan na ang aming bulk water supply na mapanatili at maibigay ang kinakailangang dami ng tubig sa mga apektadong lugar. Partikular na naapektuhan ang suplay sa Tigbe Tapping Point na nagsu-supply sa Bulac, INC 1 Tapping Point na nagsu-supply sa Bagbaguin, at INC 2 Tapping Point na nagsu-supply sa Tabing Bakod.

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pagunawa. Ang buong pamunuan ng Santa Maria Water District ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang maging maayos ang operasyon ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming bulk water supplier.

Maraming salamat po sa pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.