WATER RATIONING ACTIVITY
Nais po naming ipabatid na ang water rationing activity ng Santa Maria Water District, katuwang ang bulk water supplier na si Phillydro, ay pansamantalang hihinto sa Lunes, Mayo 12, 2025, upang makibahagi sa darating na eleksyon.
Muling magpapatuloy ang water rationing mula Mayo 13 hanggang Mayo 15, 2025, upang matiyak ang maayos at pantay-pantay na distribusyon ng tubig sa lahat ng lugar. Bagamat may bahagyang pagbuti sa suplay, hindi pa ito sapat upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo, lalo na sa oras ng peak demand.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.
