WATER RATIONING ACTIVITY
Nais po naming ipabatid na ang water rationing activity ng Santa Maria Water District, katuwang ang bulk water supplier na si Phillydro, ay pansamantalang ihihinto sa Biyernes, Mayo 16, 2025 bilang bahagi ng pansamantalang adjustment sa manpower upang maisaayos ang distribusyon ng tubig na naapektuhan nitong mga nakaraang araw.
Muling magpapatuloy ang water rationing mula Mayo 17 hanggang Mayo 20, 2025, sa mga lugar na walang tubig upang matiyak ang maayos at pantay-pantay na distribusyon ng tubig sa lahat ng lugar. Bagamat may bahagyang pagbuti sa suplay, hindi pa ito sapat upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo, lalo na sa oras ng peak demand.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.
