Nais po naming ipabatid na ang water rationing activity ng Santa Maria Water District, katuwang ang bulk water supplier na si Phillydro, ay pansamantalang ihihinto sa Miyerkules, Mayo 21, 2025 bilang bahagi ng pansamantalang adjustment sa manpower upang maisaayos ang distribusyon ng tubig na naapektuhan nitong mga nakaraang araw.

Muling magpapatuloy ang water rationing mula Mayo 22 hanggang Mayo 28, 2025, sa mga lugar na walang tubig upang matiyak ang maayos at pantay-pantay na distribusyon ng tubig sa lahat ng lugar. Bagamat may bahagyang pagbuti sa suplay, hindi pa ito sapat upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo, lalo na sa oras ng peak demand.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na pagtitiwala.