Ipinapaabot po namin sa kaalaman ng publiko na ang mga barangay ng Pulong Buhangin, Mag-asawang Sapa, Silangan, Caypombo, at Caysio ay maaaring makaranas ng mahina hanggang walang suplay ng tubig mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Ang pansamantalang hakbanging ito ay bahagi ng kasalukuyang water balancing scheme na isinasagawa sa koordinasyon sa aming bulk water supplier. Ito ay kinakailangang ipatupad upang maayos na pamahalaan ang limitadong suplay ng tubig dulot ng pansamantalang pagbaba ng produksyon sa kanilang planta. Sa kasalukuyan, sila ay nagsasagawa ng mga improvement works sa kanilang water treatment plant na inaasahang matatapos sa katapusan ng Mayo 2025.

Pinapayuhan po namin ang lahat ng apektadong konsyumer na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan habang tumatagal ang sitwasyong ito.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa abala at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.