Nais na ipabatid ng Santa Maria Water District na ang inyong nararanasang paghina o pagkaantala ng supply ng tubig mula ika 6:00 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon ay dahil sa problema sa aming Pump Station. Sisikapin po namin agad makapagbigay ng impormasyon ukol sa pagbalik muli ng normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan.

Ang lugar na apektado ng paghina hanggang pagka antala ng tubig ay ang mga sumusunod:

Barangay Guyong

Ito ay dulot ng mga problemang mekanikal sa Sitio Bato Pump Station na nagreresulta ng pansamangtalang pagbawas sa kakayahan nitong magbomba ng tubig. Ang aming mga tauhan ay kasalukuyang nagsasagawa ng mga kinakailangangan hakbang upang agad itong maisaayos at maibalik sa normal na operasyon.

Pinapayuhan po namin ang lahat ng apektadong konsyumer na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa abala at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.