EXTENSION OF WATER INTERRUPTION

UPDATE ON SMWD ADVISORY PA2505-0041

Ipinapaalam po namin sa publiko na bagamat nagsimula na ang system energization ng aming bulk water supplier na si Philhydro, maaaring hindi pa agad maibalik ang normal na suplay ng tubig sa lahat ng apektadong lugar. Inaasahan na ang pagbabalik ng normal na suplay ng tubig ay posibleng umabot hanggang 12:00 ng tanghali ngayong araw.

Ang pagkaantala ay dulot ng mas mahabang oras ng pagkukumpuni at pagsasaayos na kinakailangan ng aming bulk water supplier upang ganap na mapagana ang mga isinagawang improvements sa kanilang sistema.

Dahil dito, maaari pa pong maranasan ang pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig sa ilang lugar.

Kami po ay lubos na humihingi ng paumanhin sa abalang dulot nito at taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.