EXTENSION OF WATER INTERRUPTION UNTIL 4PM

UPDATE ON SMWD ADVISORY PA2505-0041

Kaugnay ng naunang abiso ukol sa pinalawig na pagkaantala ng suplay ng tubig, nais po naming ipabatid na ang ganap na pagbabalik ng normal na suplay ay maaaring matagalan pa. Ito ay dahil sa kasalukuyang isyung may kaugnayan sa daloy ng tubig na patuloy pang kinokoordina at inaaksyunan kasama ang aming bulk water supplier.

Bagamat muling naibalik ang normal na operasyon ng planta ng aming supplier, ang pressure at flow o dami ng tubig sa aming interconnection points ay nananatiling mababa sa karaniwan. Dahil dito, inaasahan po na maaantala pa ang ganap na pagbalik ng tubig sa buong water distribution system.

Bagaman may ibang lugar na bumalik na sa normal ang daloy ng tubig, ang bagong inaasahang oras ng pagbabalik ng suplay sa buong water supply system ay hanggang alas-4:00 ng hapon.

Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at lubos naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa at pagtitiis.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tumutok lamang sa aming mga opisyal na komunikasyon.