Nais pong ipabatid ng Santa Maria Water District (SMWD) na bandang alas-4 ng madaling araw, naresolba na ang naging power outage sa raw water line ng aming bulk water supplier (PhilHydro).
Unti-unti nang bumabalik ang suplay at pressure ng tubig sa ating systema. Gayunpaman, ang full system recovery ay tatagal pa hanggang bukas ng alas-6 ng umaga (Hunyo 8, 2025) dahil sa mababang lebel ng tubig sa ating mga imbakan (storage tanks).
Patuloy po ang ginagawang adjustments upang mapabilis ang pagbabalik ng normal na suplay ng tubig sa lahat ng lugar.
Dahil sa pagkawala at unti-unting pagbalik ng normal na supply ng tubig ay maaaring makaranas ng water discoloration. Hinihikayat po namin kayong ipagbigay-alam agad ito sa amin upang agad namin itong maaksiyunan.
Kami po ay patuloy na nagpapasalamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon habang pinagsusumikapan nating maibalik ang maayos na serbisyo sa buong bayan.
