Nais po ng Santa Maria Water District (SMWD) na ipabatid sa inyo na ang nararanasan na malakas na ulan sa hapon at gabi ay naging sanhi ng pagtaas ng turbidity ng tubig sa Angat River na pinagkukunan ng ating bulk water supplier (PhilHydro)
Ang mga Barangay na maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik sa normal na sitwasyon ang Angat River ay ang mga sumusunod:
Balasing, Pulong Buhangin, Caypombo, Mag-Asawang Sapa, Silangan, Guyong, Poblacion, San Jose Patag, Catmon, Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sta. Cruz, Sta. Clara, Sto. Tomas, San Gabriel, at Mahabang Parang
Ang Santa Maria Water District ay patuloy din na magsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upong maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari po ninyong agad na ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo o pagdilaw ng tubig upang ito’y agad naming matugunan
Maraming salamat po.
