Pinapaalalahanan po ang ating mga minamahal na concessionaire na sa ganap na ika-3 ng hapon, Ika-9 ng Hunyo taong 2025 ay maaaring makaranas ng mahinang presyon o kawalan ng suplay ng tubig sa piling mga lugar bunsod ng kasalukuyang problema sa kalidad ng tubig mula sa aming bulk water supplier na PhilHydro. Sisikapin po namin na agad makapagbigay ng impormasyon ukol sa pagbalik muli ng normal na daloy ng tubig sa inyong mga tahanan.

Ang mga lugar na apektado ng paghina hanggang pagka-antala ng tubig ay ang mga sumusunod:

Barangay ng Poblacion, Tabing Bakod, Bagbaguin, San Gabriel, at Santa Clara

Ito ay dahil sa mga isasagawang valve adjustment sa ating water distribution system. Ang pag-aadjust ng mga valve ay upang makontrol at mapigilan ang pagpasok ng malabong tubig mula sa Phillydro sa ating distribusyon. Bahagi ito ng ating mga hakbang upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng tubig na dumadaloy sa ating mga kabahayan. Bilang tugon, aasa muna tayo sa ating mga alternatibong pinagkukunan ng tubig gaya ng suplay mula sa Bulacan Bulk Water at mga groundwater source o deepwell pump stations. Gayunpaman, inaasahan pa rin ang pansamantalang pagkaantala ng suplay lalo na sa mga lugar na mataas o malalayong bahagi ng linya.

Kami po ay humihingi nq inyong lubos na pagunawa. Ang buong pamunan ng Santa Maria Water District ay patuloy na gumagawa hg mga hakbang upang maging maayos ang operasyong ng SMWD sa nasabing low pressure operation ng aming bulk water supplier