Kaugnay ng naunang abiso ukol sa pinalawig na pagkaantala ng suplay ng tubig, nais po naming ipabatid na ang ganap na pagbabalik ng normal na suplay ay madaring matagalan pa.
Ang pagkaantala ay dulot ng mas mahabang oras ng pagkukumpuni at pagsasaayos na kinakailangan ng aming bulk water supplier upang ganap na mapagana ang mga isinagawang improvements sa kanilang sistema.
Inaasahang maibabalik ang normal na daloy ng suplay ng tubig, 5:00 ng hapon ngayong araw.
Kami po ay lubos na humihingi ng paumanhin sa abalang dulot nito at taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.
