Dahil sa patuloy na pag-ulan nitong mga nakaraang araw na nagdulot ng pagtaas ng antas ng paglabo ng tubig na nanggagaling sa hilagang bahagi ng bayan ng Santa Maria ay minabuti ng pamunuan ng Santa Maria Water District na magsagawa ng pagpigil sa pagpasok ng malabong tubig sa ating linya ng tubig.

Dahil dito makakaranas ng paghina ng supply ng tubig hanggang sa tuluyang pag-antala nito ang mga residente na naninirahan sa Barangay Guyong at Barangay Poblacion.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa oras na tulayang mawalan ng supply tubig.

Hinihiling din namin ang inyong lubos na pang-unawa sa pangyayaring ito.

Maraming salamat po.