Mahal naming mga taga-tangkilik, nais po ng Santa Maria Water Disctrict (SMWD) na ipahatid sa inyo na ang nararanasan natin na paglabo ng supply ng tubig ay dulot ng mga nakaraang pag-ulan na naging sanhi ng pagtaas ng turbidity sa Angat River na pinagkukunan ng ating bulk water.

Ang mga Barangay na apektado at maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik sa normal na sitwasyon ang Angat River ay ang mga sumusunod:Balasing, Pulong Buhangin, Caypombo, Mag-Asawang Sapa, Silangan, Poblacion, San Jose Patag, Catmon, Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sta. Cruz, Sta. Clara, Sto. Tomas, San Gabriel, at Mahabang Parang.

Ang Santa Maria Water District ay patuloy na nagsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upang maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari po ninyong ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo ng tubig upang ito’y agad naming matugunan.

Maraming salamat po.