Mahal naming mga taga-tangkilik,

Nais po ng Santa Maria Water Disctrict (SMWD) na ipahatid sa inyo na ang nararanasan natin na malakas na ulan mula kahapon dulot ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Egay ay naging sanhi ng pagtaas ng turbidity ng tubig sa Angat River na pinagkukunan ng ating Bulk Water Supplier (PhilHydro).

Ang mga Barangay na apektado at maaaring makaranas ng paglabo ng tubig hanggang manumbalik sa normal na sitwasyon ang Angat River ay ang mga sumusunod:

Balasing, Pulong Buhangin, Caypombo, Mag-Asawang Sapa, Silangan, Poblacion, San Jose Patag, Catmon, Bulac, Bagbaguin, Caysio, Sta. Cruz, Sta. Clara, Sto. Tomas, San Gabriel, at Mahabang Parang.

Ang Santa Maria Water District ay patuloy na nagsasagawa ng malawakang flushing activities sa mga apektadong barangay upang maging paunang lunas sa nasabing water quality problem. Maaari po ninyong ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo ay makaranas ng paglabo ng tubig upang ito’y agad naming matugunan.

Bukod sa malabong tubig ay posible din makaranas ng paghinga hanggang tuluyang pagkaantala ng tubig sa mga nabanggit na barangay dahil sa pagbabawas ng produksyon ng tubig ng ating bulk water supplier. Dahil dito ay pinaaalahanan ang lahat na mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa mga oras na ito.

Maraming salamat po.