Para sa aming mga taga-tangkilik,

Nais po naming ipahatid sa inyo na ang paghina hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig mula kaninang umaga at sa mga susunod na araw ay dahil sa hindi inaasahang pangyayari mula sa ating bulk water supplier na si Bulacan Bulkwater.

Ang Bulacan Bulkwater supplier ay naaapektuhan pa rin ng mga operasyonal na pag-aadjust ng CPF sa Ipo Dam. Kasalukuyan, ang water treatment plant ng Bulacan Bulkwater ay nakakatanggap ng kaunti hanggang wala na supply ng raw water.

Bilang resulta, ang mga water district ay makakaranas ng mababang pressure hanggang walang supply na tubig mula sa nga interconnection points. Ang mga lugar na maapektuhan ng pagkawala ng tubig ay ang mga sumusunod:

San Vicente, Parada, Buenavista, Tumana, Camangyanan, San Gabriel, Bagbaguin, Sta. Cruz, Sta. Clara, Lalakhan, Guyong, Patag, Poblacion

Kami po ay humihingi ng inyong lubos na pag-unawa. Ang pamunuan ni SMWD ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang malimitahan ang epekto ng water supply interruption. Dahil dito ay pinaaalalahanan ang lahat ng mag-ipon ng tubig na maaaring magamit sa oras na may sapat na supply.

Maraming salamat po.