Ayon sa PAG-ASA, ang El Niño ay naiulat na maaaring maranasan sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo ngayong taong 2024. Ang El Niño ay hindi na bago sa ating mga Pilipino, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na tayo magiging alerto at handa sa naturang pagbabago sa klima.Ang SMWD ay kaisa sa paghahanda sa nasabing phenomena. Ang information awareness na ito ang isa sa mga unang hakbang ng ahensya upang maging handa ang bawat isa sa ating kinahaharap na tag-init.Laging isipin ang WASH upang sa tag-init, sa tubig ay hindi tayo gipit!1. Water Conservation: Ang iyong pagtitipid sa paggamit ng tubig ay malaking tulong sa panahong tayo ay hapit sa tubig.2. Alert: Maging alerto at updated sa mga weather advisories and water interruption sa lugar.3. Save: Mag-ipon ng tubig upang may magamit sa oras na magkaroon ng biglaang water interruption4. Hydrate: Ugaliing uminom ng maraming tubig upang maiwasan na madehydrate sa lalo sa panahon ng tag-init.Maraming Salamat po.